INCOMING DBM SECRETARY NI PBBM, HIGHLY-QUALIFED, MAY MAIPAGMAMALAKING TRACK-RECORD -- ANGARA

Posted on: Tue, 05/31/2022 - 09:57 By: admin
INCOMING DBM SECRETARY NI PBBM, HIGHLY-QUALIFED, MAY MAIPAGMAMALAKING TRACK-RECORD -- ANGARA

PINAPURIHAN ngayon ni Senator Sonny Angara, chairman ng Senate committee on Finance ang pagkakapili ng incoming Marcos administration kay Amenan Pangandaman, Concurrent Assistant Governor ng Banko Sentral ng Piipinas bilang bagong Kalihim ng Department of Budget and Management (DBM). 

"Napakahaba na ng karanasan ni Mina sa legislature at executive branches, kaya natutuwa akong makakatuwang namin siyang muli sa pag-aaral sa 2023 national budget sa mga darating na araw," ani Angara. 

Matatandaan na si Pangandaman ay  nagsilbi noon bilang chief of staff ni dating Senate President Edgardo J. Angara, ama ni Senator Sonny Angara, at naging chief of staff din ni Senator Loren Legarda noong siya pa ang chairman ng Senate finance panel. 

Mababatid na nitong nakarraang araw sa isang pahayag mula kay incoming Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, inihayag ang pagpili ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr., kay Pangandaman bilang bagong DBM Secretary. 

Malugod namang tinanggap ni Pangandaman ang nominasyon sa kanya bilang budget chief ng gobyerno, at sinabing lubos ang gagawin nilang pagsuporta sa layunin ng papasok na administrasyon na muling mapalakas at maibalik sa dating lusog ang ekonomiya ng Pilipinas 

Nangako rin ang incoming budget secretary na magiging masigasig siya sa pangangasiwa sa fiscal resources ng gobyerno, sa modernisasyon ng budget system, pagtiyak nang maayos na government spending at ang pagsusulong na muling mapalakas ang ekonomiya sa pamamagitan ng human capital development at strategic investment sa malalaking imprastraktura. 

At dahil sa napakalawak na karanasan at kaalaman na nahulma niya sa pagsisilbi sa Lehislatura at Ehekutibo, taglay ni  Pangandaman ang isang maipagmamalaking track record, ayon kay Angara.

Bilang Assistant Governor ng BSP sa kasalukuyan, naging instrumento si Pangandaman sa pagtupad ng mga proyekto ng BSP Governor sa loob at labas ng ahensya. 

Sa kanyang pagpasok bilang DBM Secretary, taglay rin niya ang napakalawak na kaalaman sa galaw ng departamento dahil nagsilbi rin siyang Undersecretary nito sa ilalim ng administrasyong Duterte. Pangunahing pinangasiwaan ni Pangandaman sa DBM ang Department Liaison Office at Budget Technical Bureau nito. 

Sa mga panahong nabanggit, nanguna sya sa pagsusulong ng budget reforms at naging masigasig sa paghahanda, pagpapatupad at pagmo-monitor ng General Appropriations Act. 

Nagtapos ng kursong Economics sa Far Eastern University, mayroon din siyang diplloma at master;s degree in Development Economics mula sa University of the Philippines (UP) at kasalukuyang tinatapos ang kanyang Executive Master of Public Administration sa London School of Economics. ###

Date