I am honored that the Filipino people have allowed me to serve another term as Senator. The victory is as much the result of the long hours and hard work we and our supporters poured into the campaign, as it is an affirmation that the Filipino people want to continue the present momentum for reform towards building a government that actively cares for every member of the Filipino family.
Iniaalay ko ang panalong ito sa aking yumaong ama, ang dating Senate President Edgardo J. Angara. Sa aking pagbalik sa Senado, ipagpapatuloy ko ang kanyang legasiya at muling isusulong namin ang mga repormang patungkol sa edukasyon, kalusugan, social benefits at trabaho ng bawat miyembro ng pamilyang Pilipino.
Muli namin isusulong ang pagtaas ng sweldo ng ating mga guro, ang pag-doble ng social pension na natatanggap ng ating mga lolo at lola, at ang pagtatag ng National Commission on Senior Citizens. Pagtutuonan namin ng pansin ang kapakanan ng ating mga PWDs at pag-aaralan kung anu-ano ang mga batas at polisya na kailangan pa para mabigyan sila ng patas na pagkakataon sa ating lipunan. At para dumami ang trabaho dito sa bansa, isusulong namin ang isang bagong “Made in the Philippines/Tatak Pinoy” campaign na tututok sa pagpapaganda sa ating mga produkto at serbisyo. Lahat ito at higit pa ang aming tututukan sa aming pagbalik sa Senado.
Taus-puso kaming nagpapasalamat na binigyan kami muli ng pagkakataon para magserbisyo sa bansa. Maraming salamat sa lahat ng nag-indorso sa amin, kasama sina Presidente Rodrigo Duterte, Mayor Sara Duterte at ang buong Hugbong ng Pagbabago (HNP). Maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa amin, lalung-lalo na sa aming youth volunteers pati mga fraternity brods. Dahil sa kanilang tulong at sa taumbayan na bumoto, patuloy pong may “Alagang Angara” sa Senado. (30)