ANGARA—OVER 30 MILLION STUDENTS TO BENEFIT FROM THE STUDENT FARE DISCOUNT LAW
Matagal na hinihintay ng ating mga estudyante ang batas na magbibigay ng 20 porsyento na diskwento sa pamasahe.
Una kong isinulong ang Student Fare Discount bill noong 2007, sa pangalawang termino ko bilang kongresista. Noon pa man, nais na natin mabigyan ng pribiliheyong ito ang ating mga estudyante dahil ang pamasahe ang isa sa pinaka malaking gastusin para sa kanila.
Araw araw ay bumibyahe ang mahigit sa 30 milyon na estudyante mula sa elementarya hanggang sa kolehiyo kaya napakalaking bagay ang pagpasa ng batas na ito para sa kanila at sa mga pamilya nila.